FROM ONSCREEN PARTNER TO STALKER: Carlo Aquino, pinopormahan na si Bela Padilla?

Carlo Aquino and Bela Padilla

UMABOT SA second week ang showing ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen” na pinagbibidahan nina Carlo Aquino at Bela Padilla under the direction of Irene Villamor (Destined to Be Yours, Camp Sawi). Marami ang naka-relate sa makatotohanang kuwento ng chance encounters ng dalawang taong in love sa isa’t isa pero palaging mali ang timing. Ito ang klase ng hugot movie na hindi masyadong malalim, pero mapapaisip ka sa mga “whats ifs” mo sa buhay.

Unusual ang pairing nina Carlo Aquino at Bela Padilla dahil ni minsan sa TV ay never sila nagsama. Si Bela ay suwerte dahil sa magandang connection na nakuha niya at aminin na natin – ang ex-bf niya na si Neil Arce ang co-producer ng mga nauna niyang proyekto kaya ito ang naging daan kung bakit napansin siya ng mga tao at sunod-sunod ang mga raket niya ngayon. Kahit pagdating sa scriptwriting ay malaki ang naitulong ng kanyang ex.

Si Carlo Aquino naman ay napatanong ng “bakit ako?” nang ialok sa kanya ang papel bilang Jesse Abaya sa pelikula. Hindi man ito katangkaran at baby face pa rin, hindi maipagkakaila na nakakakilig pa rin itong tingnan onscreen. Ideal man talaga ang peg niya. Ang sarap dyowain!

More than one year nang hiwalay si Bela sa kanyang ex-boyfriend at tila hindi natuloy sa totohanan ang sinimulan nilang love story ni Zanjoe Marudo. In short, nganga si atehgurl.

Si Carlo Aquino naman ay umamin na wala na sila ng girlfriend niya for six years. Hindi man niya ni-reveal ang rason, malinaw na single siya ngayon. Ito ang naging hudyat para humopia ang mga fans nila ng isa pang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban, na ngayon ay isa sa mga best friends ni Bela Padilla (along with Kim Chiu).

Hindi namin alam kung promo, pero sa Twitter ay nagkakayayaan sina Carlo at Bela na panoorin ulit ang pelikula nila. Sa latest tweet ni Carlo, ang sabi nito ay “Celeste sa social media na lang kita iistalk”.

Ayon sa narinig namin, just like “Mr. and Mrs.Cruz” nina JC Santos at Ryza Cenon na pinalabas last month ay kumita naman ang “Meet Me in St. Gallen”. Hindi nga lang ito masyadong umariba sa takilya like “100 Tula Para Kay Stella”, pero marami rin naman ang nanood. Dahil sa pagpasok ng “Sin Island at “My Fairy Tail Love Story” sa araw ng mga puso, kailangan nina Carlo at Bela na lumaban para bigyan ng madlang pipol ng pagkakataon ang kanilang pelikula.

Teka… bakit hindi na lang ligawan ni Carlo si Bela for real? Bagay naman ah! Naku, galaw galaw na baka puro “What ifs” din kayo dyan kung hindi niyo bibigyan ng chance ang isa’t isa.

Related Post

LAST TWO WEEKS: HAPLOS nina Sanya Lopez at Thea Tolentino, tsutsugiin na!

Sanya Lopez and Thea Tolentino

SA WAKAS, tatapusin na ng GMA-7 ang panghapong teleserye nila na Haplos na pinagbibidahan ng talented ladies na sina Sanya Lopez at Thea Tolentino with Rocco Nacino at Pancho Magno.

Sa totoo lang, nakakasawa nang panoorin ang nasabing programa. Promising naman ito noong una, pero nakakastress panoorin ang awayan nina Angela (Sanya) at Lucille (Thea). Kung ikukumpara sa mga teleseryeng kasabay nito sa panghapong line-up ng Kapuso network, ito ang tunay na nakakastress panoorin.

Kahit na pinapaikot na lang ang kuwento ng Ika-6 na Utos, ito ay entertaining pa rin panoorin. Nakakastress ng slight pero may entertainment value ang pagiging lukaret nina Georgia (Ryza Cenon) at Geneva (Angelika dela Cruz) at laughtrip minsan ang mga ways nila para pigilan ang pagmamahalan nina Emma (Sunshine Dizon) at Rome (Gabby Concepcion).

Ang Impostora naman ay nasobrahan sa bilis ng pacing ng kuwento. Okay ito sa first three months, pero in a way ay nagawan nila ito ng paraan para maging entertaining at marahil ay maganda rin ang character development nina Nimfa at Rosette (both played by Kris Bernal). Okay din ang supporting cast nito at may chemistry talaga sina Kris Bernal at Rafael Rosell.

Nakakapanghinayang ang Haplos dahil sina Sanya at Thea ang dalawa sa mga talented actresses ng Kapuso network. Sa Encantadia ay nag-standout ang portrayal ni Sanya bilang Danaya at si Thea naman ay ilang beses na rin naging main kontrabida pero laging beast mode ang kanyang atake at plainly evil lagi ang characters na ibinibigay sa kanya.

Big relief para sa manonood na matatapos na ang programa in two weeks. We just wish na after this ay bigyan naman ng matinong project sina Sanya at Thea. 

Related Post

Blind Item: Young actress, natrauma sa dating ka-loveteam

WALANG REGRETS ang isang young actress sa kinahinatnan ng supposedly big plans ng kanyang home network for her and her former partner.

Kung ang mga kasabayan niya na may kani-kanyang ka-loveteam ay lalong umaariba ang endorsements and TV projects, mas gusto ng dalaga na steady lang ang takbo ng kanyang promising career na hindi dumidepende sa isang lalaki.

Sa katunayan, relieved daw ito nang ang management na mismo ang nagdesisyon na paghiwalayin na silang dalawa nang tuluyan.

Naging madalas na raw kasi ang pag-aaway ng dalawa na nasasaksihan ng mga fans. In reality daw ay hindi naman talaga sila nagkagustuhan at ang network lang ang nagdikta na dapat ay magpakasweet sila for the sake of their showbiz careers.

Ang binata raw ay ibang babae ang gustong makapares at ang dalaga initially ay mas gusto sa binata pero naturn-off sa ugaling presko nito.

Hindi rin tugma ang kanilang goals for longevity sa showbiz.

Kung ang ilang nagbi-break na loveteam ay open na makatrabaho ang mga dati nilang ka-partner, with vindication ang dalaga sa pagsasabing ayaw na niya talaga.

Kunsabagay, bakit ka nga naman magpapaka-stressed kung keri mo naman umawra mag-isa?

Ang balita ay wish daw ng dalaga na matuloy ang planong paglo-loveteam sa kanila ng hunk actor. Sadly, mukhang hindi bet ng kampo ng hunk actor na mailink ito sa kanya ng matagalan.

Related Post

PATIKIM SA JADINE MOVIE: James Reid at Nadine Lustre, todo laplapan sa elevator!

Nadine Lustre and James Reid’s elevator scene in Never Not Love You

KUNG SA UMPISA ay controversial ang much-awaited movie project nina James Reid and Nadine Lustre a.k.a. JaDine na “Never Not Love You” dahil sa naging conflict nila with director/writer Antoinette Jadaone, ngayon ay mas magiging usap-usapan ito dahil sa teaser trailer na inilabas ng Viva Films ngayong gabi.

Sa umpisa ng teaser ay nasa tattoo place sina James at Nadine. Ang dalaga ay takot na takot habang nagpapatattoo ito sa binata. Nang matapos ang kanilang ‘foolishness’ ay niyaya ng karakter ni James si Nadine na mag-live in na lamang sila.

Hmmm… sounds familiar ba?

Ang susunod na eksena ay naglalaplapan na ang dalawa sa elevator. Ramdam na ramdam ang pagkasabik nila sa isa’t isa. Sa sobrang in love nila ay kung anu-ano nang recklessness ang kanilang pinaggagagawa. Natapos ang eksenang sa kama naman nila ipinakita ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa.

Nadine Lustre and James Reid’s elevator scene in Never Not Love You

Siguradong magugulat ang mga loyal fans ng JaDine lalo na ang mga bagets. Sana ay ready na sila to see their idols in matured roles.

Ang pinakita sa teaser ng Never Not Love You ay ilang eksena na hindi kakayanin gawin ng LizQuen, AlDub at lalo na ng KathNiel, na main ‘competitor’ nila sa kiligan.

Mukhang naitawid naman ng production at mga bida ang pelikula na may mga eksenang kinunan sa London.

Wala pang final date na sinasabi sa playdate ng pelikula, pero may nakapagbulong na nasa 60% na raw ang bagong obra ni Antoinette Jadaone.

Flop ang last movie ng JaDine na ipinalabas two years ago habang naging sleeper hit naman ang huling movie na dinirek ni Direk Tonette last year. Ano kaya ang kahihinatnan ng nag-iinit na pelikulang ito? Abangan!

Related Post

Blind Item: Hunk actor, sagad sa buto ang kayabangan?

GUWAPO, MATIPUNO. MAY TALENT. Perfect ingredients na sana ito para sa isang ‘ideal leading man’. Sa TV at pelikula siguro ay puwedeng umarte ang hunk actor, pero in real life ay kinasusuklaman daw ito ng mga naging ex-girlfriend niya.

May mga nagsasabi na ang pasimpleng kayabangan diumano ng hunk actor ang dahilan kung bakit hindi tumotodo ang pagsikat niya sa kanyang home network. Ipinares ito sa isang magandang teen actress noong araw at bini-build up na rin ang kanilang tambalan. Naging masalimuot daw ang break-up nila na halos isumpa siya ng girl at ayaw na niya itong makatrabaho.

Sa ikalawang pagkakataon ay nagkainlaban din sila ng sumunod niyang ka-loveteam. Sa sobrang intense sa kiligan ng initial stage ng kanilang pagsasama ay naging intense din ang kanilang break-up. Third party daw ang dahilan at tila may attitude ang hunk actor kaya tuluyan na silang naghiwalay. Sayang dahil may plano pa man din ang network nila na bonggahan ang kanilang loveteam pero tulad ng nauna niyang girlfriend, hangga’t maaari raw ay ayaw makita ng second girlfriend ang kanyang ex.

Nang magsama sa isang proyekto si Ex-GF #1 at si Ex-GF#2, naging malinaw na ang kayabangan ng aktor ang naging major turn-off at factor kung bakit ayaw na nila ito makatrabaho man lang.

Meron na rin outsiders na nakakapansin na bilib na bilib sa sarili ang aktor. Sana ay hindi ito malunod sa kanyang pantasya. Kahit talentado ka, kung hindi ka marunong makisama ay wala ka rin mapupuntahan, huh!

Related Post

DAHIL SA ‘FANEY’ MOMENT: Maine Mendoza at Carlo Aquino, the next movie couple to watch?

Carlo Aquino and Maine Mendoza

ILANG BESES na namin nailathala rito sa Pinoy Parazzi ang mga nakakaaliw na ‘faney’ moments ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza. Kahit siya mismo ay isa sa biggest superstars ng bansa, hindi pa rin nagbabago ang dalaga at hindi ito takot na ipakita sa mga tao ang pagiging fangirl nito.

Ang latest fangirl moment ni Maine ay nangyari sa katatapos lang na premiere night ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen”. Bida sa pelikula si Bela Padilla at ang longtime Kapamilya actor na si Carlo Aquino. Feeling namin ay isa si Maine sa mga bagets noon na kinilig sa charming face at raw talent ng binata.

Sa napanood namin na video na kuha ng ilang fans, tila pigil ang kilig ni Maine nang maupo si Carlo sa harap ni Maine. Later on, pinakilala ni Direk Irene Villamor si Carlo kay Maine at doon na nga naganap ang trending selfie.

Unang nagselfie si Maine with Carlo at ang binata ay kumuha rin ng snapshot through his phone.

Nakakatuwa dahil kita sa video na kahit natapos na ang selfie moment nila ay parang hindi mapigilan ni Maine na kiligin at bumungisngis.

This leads us to the possibility na bakit nga ba hindi gawan ng pelikula ni Direk Irene ang Carlo-Maine tandem? Malakas ang chemistry nila. Puwede rin na gumawa ng love triangle movie with Alden Richards kung sakali. I’m sure na walang AlDub fan na hihirit kung si Carlo Aquino ang magiging ‘karibal’ ni Alden. Maliban sa pogi, hindi pa ito papatalo kung aktingan rin lang ang pag-uusapan.

Naging direktor nina Alden at Maine si Direk Irene Villamor sa Destined to be Yours. Siya rin ang direktor ng pelikulang “Meet Me in St. Gallen” na palabas na ngayong araw sa mga sinehan nationwide.

Related Post

Blind Item: Magka-loveteam, hiwalay na kahit never pang umamin!

NAPAPANOOD ng mga fans ang tambalan na nagpapakilig sa kanila. May mga signs and symptoms na noon pa man na “more than friends” ang dalawa dahil sa mga social media postings nila noon na kulang na lang ay i-announce na nila sa buong mundo na from reel to real ay tunay at wagas ang kanilang pagmamahalan.

Narinig namin sa isang reliable source na kahit never pa direktang umamin ang dalawa ay break na pala sila. Marami raw ang nag-warn sa boylet na huwag na huwag aamin dahil mas may potensyal siya na maging big star compared sa girlaloo na kapares niya. 

Napatunayan na may katotohanan ang observation na ito dahil nang ipares ang boylet sa iba ay mas dumami pa ang faney na kinilig at tumulo ang laway sa kakisigan niya which left the girlaloo left out and a bit insecure.

Dahil sa kaganapang ito, mas naging possessive ang girlaloo at hindi ito nagustuhan ng boylet kaya sila’y nagkahiwalay na. 

Due to unforeseen circumstances at demand na rin ng ilan sa kanilang fans, reunited ang dalawa pero pansin ng malalapit na tao na hindi na sila kasing clingy o sweet like they used to.

Kasi nga, hindi pa man umaamin ay waley na ang dalawa! 

Ang tanong: May magaganap kayang balikan sa pagbabalik-tambalan nila? 

Related Post