PAMILYA MUNA: Vice Ganda at ang simpleng regalo niya sa ina

Vice Ganda with his Nanay Rose, siblings and 2 pamangkin

HAPPY KAMI for Vice Ganda na ang pagsusumikap at paghihirap niya sa pagpo-promote ng kanyang MMFF 2017 entry na The Revenger Squad ay humakot ng almost 400 Million sa loob lamang ng mahigit sampung araw.

Wala man dito sa Pinas ang Unkabogable Box-Office Superstar at nasa USA para doon magbakasyon at dalawin ang kanyang Nanay Rose para makasama ito noong New Year’s Eve ay tuloy pa rin ang pagmo-monitor niya sa mga kaganapan ng pelikula niya with Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

Sa San Francisco, USA naka-base ang pamilya ni Vice at ang kanyang pagbabakasyon sa USA ay more of a family bonding. Less lakwatsa. Pamilya muna.

Nitong Kapaskuhan, simple lang ang regalo ni Vice sa ina. Mga damit lang ang hiling ni Nanay Rose sa anak. Sabi ni Mommy Rose, sapat na kumpleto sila kasama ang mga kapatid ni Vice.

Yes, wala pa man inilalabas na official result ang MMDA na siyang may paandar sa yearly MMFF ay happy sila dahil na-achieve na nila ang pinupuntiryang kita for this year’s Metro Manila Film Festival.

 Sa Saturday, January 6 ang biyahe pabalik ng grupo ni Vice from the US at sa pagdating nila on Monday, January 8 ay diretso si Vice from the airport sa noontime show niya na It’s Showtime sa Kapamilya Network.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

WINNER SA TAKILYA! Vice Ganda at Coco Martin, nangunguna sa MMFF 2017; Haunted Forest, humahabol!

Vice Ganda and Coco Martin

PINATUNAYAN nina Coco Martin at Vice Ganda na sila ang nagtutungali sa unang pwesto sa pagiging Box-Office Superstar para sa ngayong MMFF 2017 sa walong mga pelikula ngayong taon na kinabibilangan ng Haunted Forest, All of You, Meant to Beh, Deadma Walking, Siargao at Ang Larawan.

Sa Fisher Mall sa may Quezon Ave. na malapit sa amin, maaga pa lang ay sold-out na ang mga seats sa buong screening schedules sa araw ng Pasko (December 25) ng pelikula ni Vice.

Syempre, hindi magpapaiwan si Coco na nagso-sold-out din ang mga screenings sa FM na sumasabay kay Vice sa lakas ng hakot sa kani-kanilang mga market.

Halos magkapareho ang audience ng Ang Panday at The Revenger Squad.

Pumapangatlo ang Regal Films Haunted Forest na bida sina Jane Oineza, Jameson Blake, Jon Lucas at Maris Racal na type ng mga Pinoy maging ng mga bata lalo pa’t ang Pinoy moviegoers ay mahilig sa mga horror-suspense movie.

Sabi ng ticket seller na pinagtanungan namin, ang Meant to Beh ni Bossing Vioc at Dawn Zulueta ay hindi ini-expect ng ticket seller na pumuwesto sa pang-apat na dati-rati noong huling MMFF entry ni Bossing Vic na kung hindi man siya nasa una ay pumapangalawa siya sa unang araw ng showing.

HAUNTED FOREST lead stars Jon Lucas, Maris Racal, Jane Oineza and Jameson Blake

Ang pelikula nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, ayaw pa bumitaw sa karera. Ang Siargao naghihingalo kung pagbabasehan ang box-office result sa unang araw sa naturang mall sa Kyusi.”

Sayang, wala screening ng Ang Larawan  na nag-iisang musical film na bida sina Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino na personally ay gusto ko at maaaring ma-pull-out sa ilang mga sinehan dahil ang mga theater owners ay gusto naman kumita.

Kung bakit naman kasi kung sino pa ang sikat with the likes of Coco and Vice ay sila pa ang super kayod sa pagpo-promote na kita mo naman ang effort nila na sinusuklian ng taumbayan.

Ang ibang mga bida ng mga pelikula sa MMFF 2017, waley. Parang tinatamad i-push ang movie nila na pa-patiks-petiks lang at hindi man lang marunong mag-like or mag-share sa social media ang mga  tumutulong at nagpo-promote sa kanila.

Belat, kaya waley kayo.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THE REVENGER SQUAD HITS: Madlang pipol, all out ang support kay Vice Ganda!

Vice Ganda and Pia Wurtzbach

MAAGA PA LANG, nag-post  na sa kanyang social media account si Vice Ganda na patungong SM Mega Mall na siya kung saan magkakaroon iya ng block screening para sa pelikula niyang GANDARRAPIDO:The Revenger Squad kung saan kasama niya sina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

Super sipag ni Vice na last night, hindi na siya natulog para salubungin ang Noche Buena at sa konting pahinga after ng kaganapan ay maaga ito nagising to get ready papuntang venue para sa kanyang block screening.

Sa totoo lang, during the Parada ng mga Artista last Saturday afternoon para sa MMFF 2017 na unang sikad ng mga activities ng almost 2 weeks long event ay napatunayan ko sa sarili ko kung gaano kalakas si Vice sa masa.     

Marlon Stockinger and Pia Wurtzbach

Ang sinasakyan ko na van ang nasa unahan ng float nina Vice kung saan lulan ang mga co-stars niya.

Habang binabaybay namin ang kalye patungong Alabang ang madlang pipol pangalan niya ang isinisigaw.

“Lodi Vice” (read: Idol Vice) ang sigaw ng tao, reason para hindi mo makita ang kapaguran sa unkabogable box-office superstar na left and right ng float ay panay ang kaway niya sa mga tao na nagaabang sa kanya.

The cast of Gandarrapido: The Revenger Squad

Ang ilan, may hawak na sariling gawa na placard na ang tao hindi magkamayaw.

With Vice super effort, alam ko na susuklian ito ng taumbayan para suportahan ang pelikula niya.

Goodluck Vice.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

PILIT NA INIINTRIGA: Vice Ganda at Coco Martin, friends pa rin!

Coco Martin and Vice Ganda

NAIINTRIGA ang friendship nina Vice Ganda at Coco Martin. Sa darating na Metro Manila Film Festival o MMFF 2017, ang dalawa ay magiging mortal na magkaaway na mag-aagawan kung sino ang tatanghaling Box-Office King pagdating sa unang araw ng film festival sa December 25.

Pareho kasi ang market nina Vice at Coco. Mga bata at pamilya ang target market ng pelikula ng dalawa.

Si Coco, may cult following mula sa sector ng mga bata. Lalo na ang pelikula niya na Ang Panday na dala-dala pa rin ng pelikula ang milyun-milyong Ang Panday followers ni Fernando Poe Jr. na sa mga nakaraang Kapaskuhan noong buhay pa si The King, palaging nangunguna ang fantasy-adventure na istorya ng na sinulat ni Carlo J. Caparas.

Si Vice naman, no doubt na ang klase ng komedya niya ay hindi na kinu-kwestyun para maglagay sa kanya sa estado as “Box-office Superstar”.

Sa pagkakataong ito, ang rivalry ng dalawa ang siyang inaabangan ng manonood ng pelikulang Pinoy sa darating na Kapaskuhan.

Si Vice, may mga millennials na tagasubaybay ng klase ng comedy na hindi mapapantayan.

With Daniel as his co-star and its Pia’s first film na milyun-milyon din ang following, very stiff ang competition.

Si Coco, from his television shows like Juan dela Cruz to Ang Probinsyano at sa tema ng “ Ang Panday” na hindi lang bata ang market, masaya ito – pukpukan sa takilya.

Basta sa mga nagdududa kung kamusta ang ”friendship” nina Vice at Coco, say lang ng komedyante:” Wala kaming isyu. Nasagot ko na rin yan. Nasagot na rin ni Coco ang intriga na yan,” pahayag ni VG.

Yehey! Buhay na naman ang local movies.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

ANG TUNAY NA “RELASYON” NINA VICE GANDA AT DANIEL PADILLA

Vice Ganda and Pia Wurtzbach

KUNG SINA Vice Ganda at Pia Wurtzbach ay mga gay icon, nagtataka ang marami kung ano ang papel ni Daniel Padilla sa pelikula na ”baklang-bakla” din ang buong titulo na MMFF 2017 entry ng Star Cinema para sa darating na December 25.

Si Vice, knows namin na baklang-bakla mula sa hibla ng kanyang laman at si Pia naman na isang idolo ng mga beks dahil 95% ng mga bading ay mahilig sa beauty contests at idol nila ang talyadang pagrampa nito sa Miss Universe 2015. Saan ka pa?

Si Daniel, pambalanse sa pagiging “beki” nina Vice at Pia.

“Pam-balance lang pero masaya talaga kami sa set po.. nagsama-sama kami,” kuwento ni Daniel sa mga taga-media na dumalo sa grand presscon ng pelikula nila na Gandarrapido:The Revenger Squad.

Sina Daniel at Vice ay matagal nang buddy-buddy. Matalik na magkaibigan kasi sina Vice at ang ina ni Daniel na si Karla Estrada kaya ganoon na lang ang closeness ng dalawa na kapag nagkikita sila ay may harutang nagaganap.

Vice Ganda and Daniel Padilla

Kaya nga ang closeness ng dalawa nami-misinterpret ng mga hindi nakakakilala sa tunay na relasyon ng binata sa unkabogable box-office superstar.

Minsan, nabanggit ni Vice na hindi si Karla ang ina ni Daniel kundi siya. Ako ang umire kay Daniel. Sa sinapupunan ko galing si bagets reason kung bakit ganun ka-close ang dalawa.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

THE REVENGER SQUAD AT ENCHANTED KINGDOM

Gather your squad on December 9, 2017, Saturday and head to Enchanted Kingdom to catch your favourite lead stars of Gandarrapiddo The Revenger Squad. Watch The Teen King Daniel Padilla, Ms. Universe 2015 Pia Wurtzbach, and the phenomenal Vice Ganda together with Karla Estrada, Loisa Andallo, JJ & Carlo, Yakki and Warren, Ellen Tatlonghari Viceral, Iris Omale Isaiah, Ma. Nita Bongcayao and VIVA Entertainment as they give you a whole lot of surprises and fun at 5PM, Spaceport. The movie is an official entry of Star Magic and Viva Films to the Metro Manila Film Festival showing on Christmas day, Dec. 25, 2017.

Enjoy this magical day and avail the discounted ticket rate for ONLY P720 this Saturday! The ticket rate is inclusive of UNLIMITED rides and Agila The EKsperience. Come and bring along your whole family and friends to witness this one big kabogable show only at the premier theme park in the country.  

Related Post

SA PAGKAMATAY NI #HASHTAG FRANCO HERNANDEZ: VICE GANDA, WASAK NA WASAK

Vice Ganda and Franco Hernandez

VERY TOUCHING at emotional ang ginawang tribute ng mga kasamahan ni #Hashtag Franco Hernandez yesterday sa noontime show na It’s Showtime.

Halos lahat ay nakasuot ng kulay white na pinangunahan ni Vice Ganda ang tribute sa isa sa mga paborito niyang anak-anakan sa bagong batch ng #Hashtag members.

Hindi mapigilan at ma-kontrol ni Vice ang kanyang pag-iyak sa ginawang tribute sa namayapang si Franco sanhi ng pagkalunod last Saturday sa may bandang Davao.

 Naaalala  ni Vice kung gaano kalambing si Franco na kapag nasa Showtime ito ay palaging bumibisita sa kanyang dressing room at naglalambing na animo’ý bata sa kanyang ina.

“Wala na yung anak kong conyo, wala na po yung anak kong mayaman yung lagi kong tinatawag na anak kong mayaman. Nalagasan ako ng isang anak,” pagkukuwento pa ng comedian-host.

Pagmamalaki pa ni VG tungkol kay Franco: “Isa siya sa pinakapaborito kong anak kasi sobrang sweet. Nakikita niyo naman sa mukha ni Franco hindi nawawala yung ngiti niya… siya yung pinakamagaling sumayaw sa second batch, siya yung Zeus ng 2nd batch,” pagbibida pa ni Vice sa mga manonood ng noon time show yesterday. Mula nang iburol si Franco, every night ay dumadalaw si Vice.

Vice Ganda with Hashtags Batch 2. Franco Hernandez is the one wearing green shirt

Last Tuesday early morning dumating si Vice from New Zealand kung saan dumalo siya sa kasal ng kaibigang Anne Curtis at Erwan Heusaff na kinagabihan and last night (Wednesday) ay bumisita  siya sa burol ni Franco, kung saan nakalagak ang labi sa Arlington Memorial Chapel.

Tonight, Thursday, November 16 ang Showtime ang sponsor ng mass para sa binata. Bukas naka-schedule ang cremation ng labi ni #Hashtag Franco.

Sa darating na Saturday, November 18 ay lilipad patungong Cebu si VG para sa audition-taping niya for Pinoy Got Talent mula  Monday to Wednesday (November 20-22) at babalik siya ng Manila on Thursday (November 23) para sa It’s Showtime.

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post