TUMIKLOP NA: Heart Evangelista, inamin na pinagbantaan ng kapwa artista!

Heart Evangelista

HINDI NA NAPIGILAN ng Kapuso actress na si Heart Evangelista na maglabas ng saloobin at ikuwento ang isang hindi kaaya-ayang kaganapan na nangyari six years ago na involved ang isang artistang hindi niya pinangalanan.

Araw-araw ay nakakatanggap si Heart ng pambabash mula sa detractors niya na nag-umpisa noong siya’y mainvolve sa isang isyu nang gawin niya ang isang pelikula. Noong panahon na ‘yun, marami ang nagsuspetsa na baka promo lang ang hidwaan sa pagitan ng mga bida ng pelikula. Marami na ang nangyari sa personal na buhay ni Heart, pero ang pagto-troll at pagtanggap ng masasamang salita mula sa bashers ay hindi pa rin humuhupa.

Dahil sa mga netizens na walang magawa sa buhay nila kundi ang mangutya ng kapwa, ang mga supporters ni Heart ay todo protekta sa kanilang idolo. Kamakailan lang ay hindi na napigilan ng My Korean Jagiya lead actress na magsalita in a nice way:

“This account is a classic example of the many accounts created to basically hurt me and my family. Its been happening for almost six years now after the accident where I was locked in a room and told that “this” would happen to me if I told anyone anything. I have remained quiet because I know the truth and believe God will deal with the rest… because the battle isn’t mine to fight but His. 

Heart Evangelista

“So I ask one more time to pls ignore, pls don’t fight back, pls don’t be like them. Because at the end of the day, as my “fans” you should carry my heart… it is hard but if i can do it and take it in for almost 6 years…. you can too. God has been good to me so let it be. Thank you!” ani Heart through her Instagram account.

Sa tingin namin ay may pag-asa naman na magkaayos sana or kahit maging civil man lang ang dalawang artistang involved kung hindi ito pinakikialaman ng mga fans and detractors nila. Sayang, dahil maraming projects na sana’y pagsasamahan nila noon na hindi itinuloy.

Pagdating naman sa showbiz career ni Heart, blessed nga talaga ito dahil kahit super late na sa gabi palabas ang kanyang programang “My Korean Jagiya”, ito naman ang super arriba sa ratings compared to the other Kapuso primetime shows. 

Related Post