VICE GANDA, nahirapan sa interview: Xander Ford, walang substance?

Vice Ganda and Xander Ford

SA SOBRANG YABANG na wala naman ibubuga ay nag-decide na ang pamunuan ng Gandang Gabi Vice na hindi na ipapalabas ang guesting nitong si Xander Ford nang dumalaw siya recently sa show ng unkaboggable box-office superstar na si Vice Ganda.

            
Napagalaman namin from a very reliable source na nang i-review ng production people ang interview ni Vice sa hitaderong nagparetoke ng mukha ay wala makuhang sustansya sa interbyuhan na naganap.
“Hirap teh si Vice sa Q and A (Question and Answer) portion nila. Walang mapiga si VG. Ang nakakaloka, walang subtance ang interview” kuwento ng source namin.
Sa isang portion ng segment, ipinakilala si Ella Cruz na “crush” daw nitong si Xander. Nang pinasayaw na daw ito with Ella, tumanggi ito. Ayaw daw niya sumayaw. Haller…
In short, kung walang substance ang interview at ayaw sumayaw para makadagdag ‘laman” ang kanyang segment, ano pa ang silbi ng naturang guesting niya?
Okey…okay…ang pangit, pwede iretoke para maging pleasant ang pagmumukha on screen. Pero ng talent at galing ay ikaw na didiskarte nun. Hindi na keri idaan sa surgery.
“Dapat mag-aral at mag-training muna siya,” say ng source namin.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post